Si Ka Blas Ople sa Likod ng Kabayanihan ni Russell Jay M. Manglicmot
Isang mamamahayag, pangulo ng senado, at isang Bulakenyo. Ito ang kadalasang ikinakabit sa pangalan ng ating bayaning si Ka Blas Ople. Ngunit sino nga ba si Blas Ople bago pa siya naging, mamamahayag, naging pangulo ng sendo, o naging isang bayaning tinitingala natin ngayon?
Sa selebrasyon ng kanyang ika-87 guning taon ng kaarawan, kilalanin natin ang tao sa likod ng isang malaking pangalan na ito. Sino siya sa kanyang anak, mga kaibigan, at kung paano siya nakikilala ng mga kabataang sabihin na nating nakalilimutan na ang kanyang legasiya.
Ka Blas bilang isang Ama
Higit sa pagiging Ama ng Senado, si Ka Blas ay mas mabigat at mas mabigat na hamon: siya ay Ama rin sa kanyang pitong anak sa minamahal niyang asawang si Susana Ople.
Ayon kay Felix “Toti” Ople, isa sa kanyang mga anak, hindi mo mababanaag ang pagiging isang senador na mahilig sa debate. “A man of few words” ika nga niya kapag ginagampanan nan i Ka Blas ang kanyang papel bilang ama.
Tahamik na matatawag sa tahanan, ngunit may ani Felix, may mga paraan si Ka Blas na hindi malilimutan ng isang anak sa kanyang ama. Inalala ni Felix ang isang pagkakataon kung saan nakatulugan niya ang isang mahalagang term paper noong siya ay nagaaral pa ng kolehiyo.
“Nakatulugan ko ang aking [term] paper, e ang amang ko’y kung dumating ay ala-una o ala-dos [ng madaling araw], pero nakita niyang hindi natapos ang aking papel. Paggising ko, tapos na ang aking term paper, at nakakuha ako ng A+ dahil doon,”salaysay ni Felix.
Pagbubunyag pa niya, si Ka Blas ay hindi nalilimutang kamustahin o silipin man lamang ang kaniyang mga anak pagkagaling nito sa kaniyang trabaho.
“Ang amang ko’y kung dumating ay ala-una o ala-dos [ng madaling araw], pero bago ‘yan [Ka Blas] matulog ay sisilip muna sa kwarto ng kanyang mga anak, do’n n’ya siguro nakita ‘yong hindi ko pa tapos na term paper.”
Ka Blas bilang isang kaibigan
Marami mang naging katunggali sa Senado at naging kritiko dahil sa mga batas na ginawa, hindi makakaila na maraming naging kaibigan an gating bayaning bulakenyo saloob at labas ng pulitika. Isa na rito ang ay ang ating kasalukuyang gobernador na si Wilhelmino M. Sy-Alvarado.
Buong-pusong ibinahagi ni Alvarado ang kaniyang karanasan na maging isang kaibigan ang isang tinitingala at hinahangaang kababayan.
“Si Senator Blas Ople, matulungin ‘yan bilang isang kaibigan. Bagama’t mayroon lamang siyang kahinaan na kanyang paninigarilyo at kanyang pagkakape, pag-inom. Sabi nga nila, ‘yong mabuti, gayahin, ang mabuti, itakwil,” salaysay ni Alvarado.
Mayroon mang pagkakataon na ang dalawa’y naging magkalaban sa pulitika, sa huli ay naging personal namagkaibigan pa rin ang dalawa.
“Noong panahon ng Martial Law, siya ay kay Marcos at ako naman noon ay isa sa mga naglalakad sa kalsada at nakikibaka. But there was time na nagkasama-sama na kami,” dagdag ni Alvarado.
Dagdag pa niya, naging maganda ang pagpapatakbo ng probinsya no’ng aniya’y naging magkakaibigan at nagtutulungan ang bawat miyembro ng gobyerno ng Bulacan.
“Sinabi sa aking ni Ka Blas noon ng ‘ngayon pa lamang na tama ang hanayhay ng mga bitwin sa langit-langitan ng pulitika sa lalawigan ng Bulakan, nagkasama-sama kami ni Obet, kasi bilang taga-Hagonoy, gaganda na ang takbo ng Bulacan’’, ani Alvarado.
Higit pa sa isang mamamahayag, senador o bayani.
Ito na marahil ang mga mumunting lihim na hindi alam ng maraming tao tungkol kay Blas Ople. Ating isipin na si Ka Blas ay naging isang normal ring estudyante lamang, isang payak na may-asawa at butihing ama.
Higit pa sa isang mamamahayag, senador, o bayani, marapat lamang na ating tularan ang mga katangiang humubog sa pagkatao ni Ka Blas. Hindi man natin marating ang mga tagumpay na nakamit niya, kahit itong mga prinsipyo lamang niya sa buhay ay ating angkinin, para maging isang Ka Blas Ople tayo sa ating munting paraan.